Photo courtesy | Google

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA — Absuwelto sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Jessica “Gigi” Reyes, at Janet Lim Napoles, ayon sa Sandiganbayan.

Batay sa Special Third Division ng Sandiganbayan, bigong patunayan ng prosekusyon na nagkasala “beyond reasonable doubt” ang mga akusadong nabanggit kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sina Enrile at Reyes ay inakusahan na nakipagsabwatan kay Napoles at tumanggap 172.83 milyong pisong kickbacks mula sa PDAF ng dating senador sa pamamagitan ng ghost non-government organizations (NGOs) na binuo ni Napoles.

“I knew all along that I will be acquitted because we have not done anything in this case. And I hope the people who filed those cases against us will examine their conscience,” pahayag ni Enrile sa mga mamamyahag sa Maynila.

Inihayag din ni Enrile na walang katibayan na nagbigay ng pera sina Napoles at prosecution witness Ruby Tuason sa kaniya. Aniya, wala ring sapat na patunay na kaniyang inendorso ang NGOs na binuo ni Napoles para pagyamanin ang kaniyang sarili gamit ang kaban ng bayan.

Author