Photo Courtesy | PIO-Palawan

PUERTO PRINCESA CITY — Kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay ang mga manggagawa sa kalusugan mula sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan simula nitong Marso 11 na ginanap sa A&A Plaza Hotel, nabanggit na lungsod.

Ayon sa tanggapan ng Provincial Information, kasama sa mga sumailalim sa pagsasanay ang mga responders ng bawat Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices (MDRRMOs), Provincial DRRMO, at ilang kawani ng Provincial Health Office (PHO)

Tatagal ang pagsasanay ng limang (5) araw na tinawag na Mass Casualty Management Responder’s Training na kung saan ay tatalakayin ang mga paksang Mass Casualty Management Framework, Incident Command System, Critical Incident Management, at disaster preparedness.

Naisakatuparan ito sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Department of Health – Center for Health Development MIMAROPA, Research Institute for Tropical Medicine, Rizal Medical Center at Ospital ng Palawan.

Magsasagawa rin ng tabletop exercises at compartmentalized practical exercise sa aktibid na layong malaman ang kahandaan ng mga responders tuwing sasapit ang aksidente, sakuna at kakaharaping kalamidad.

Nais ni Gob. V. Dennis M. Socrates na mas mapaigting pa ang kahandaan ng mga naturang partisipante sa pagresponde sa mga kakaharaping emerhensiya na dulot ng tao o sanhi ng mga natural na panganib.