PUERTO PRINCESA CITY — Sa unang semestre ng taong 2024, aabot sa higit isanlibong (1000+) mga benepisyaryong Palaweño ang natulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
Funeral Assistance, programa na pinangangasiwaan ng Community Affairs Division (CAD).
Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, ang mga libreng serbisyong ipinaglaloob sa mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng embalsamo, kabaong, at libreng transportasyon para ihatid ang mga labi ng mga namayapang indibidwal sa kani-kanilang mga tirahan sa Palawan.
Ang mga nabanggit na serbisyo ay patuloy pa ring tumutulong sa mga kapus-palad na mga Palaweñong nangangailangan nito.
Nais ni Gob. V. Dennis M. Socrates na agarang mabigyan ng tulong ang mga mamamayang nangangailangan ng burial assistance bilang pag-alalay sa mga ito.
Maliban sa tanggapan ng CAD Office sa kapitolyo, maaari rin tumungo sa punerarya sa mga munisipyo ang mga nais makakuha ng naturang serbisyo basta siguraduhin lamang na akreditado ito ng nasabing tanggapan.
Samantala, bukas naman ang tanggapan ng CAD sa kapitolyo simula Lunes hanggang Linggo.
Mayroon ding mga nakatalagang staff upang maiproseso ang kahilingan ng mga kliyenteng nais maka-avail ng burial assistance o tumawag sa numerong 09300899204.