PALAWAN, Philippines — Nasa mahigit 600 mga benepisyaryo mula sa nabanggit na bayan ang naserbisyuhan ng Ayuda para sa Kapos ang kita Program (𝐀𝐊𝐀𝐏) nitong Setyembre 25 hanggang ika-27 ng buwan.
Ang inisyatiba ay naisakatuparan sa pamamagitan ng patuloy na serbisyong hatid ng Kalingang Salvame sa pangunguna ng naiwang asawa ng yumaong Kongresista Egay Salvame na si Gng. Rose Salvame, katuwang ang Pamahalaang Nasyunal at tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez bilang designated caretaker ng unang distrito ng Palawan.
Naging katuwang din sa programa ang lokal na Pamahalaan ng Araceli sa pangunguna ni Mayor Sue S. Cudilla at Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon sa tanggapan ng Unang Distrito, ang makapaghatid ng mga kinakailangang tulong sa kanyang nasasakupang distrito ay isa sa adhikain ng noo’y Congressman Egay Salvame.