Photo ccourtesy | PRO MIMAROPA
Matagumpay na nasamsam ng mga kapulisan sa buong rehiyon ng 4B ang 2,389.03 gramo o mahigit 2.3 kilograms ng nakumpiskang shabu na may tinatayang kabuuang market value na ₱16,245,427.12.
Ang pagkakasabat ng shabu ay bunga ng sampung magkakahiwalay na drug buy-bust operations na ikinasa ng mga kapulisan mula sa iba’t ibang probinsya na kinabibilangan ng Occidental Mindoro (2); Oriental Mindoro (4); Palawan (2) at Puerto Princesa (2).
Dahil dito, ito ay nagresulta sa pagkakahuli sa kabuuang labing-isang katao na lumabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na kung saan naaresto sa mga sumusunod na lugar sa rehiyon: Occidental Mindoro (2); Oriental Mindoro (6); Palawan (1) at Puerto Princesa (2).
Ito ay batay sa pinakabagong datos ng mas pinaigting at mas pinalakas na kampanya ng buong kapulisan sa rehiyong MIMAROPA sa pagsugpo ng iligal na droga sa rehiyon sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Roger L. Quesada, 19th Regional Director, PRO MIMAROPA.
Samantala, patuloy na isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mapayapa at maunlad na bagong Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang drug buy-bust operations sa bansa upang madakip ang mga lumalabag sa batas.