“Perimeter walls” sa mga pampublikong sementeryo at dalawang “custom-built funeral vans” ang nais ni First District Board Member Cherrie Pie Acosta na pondohan ni Palawan Gobernadora Amy R. Alvarez.
Hinihiling niyang pondohan ni Alvarez ang “perimeter walls” na gagawin sa mga daanang sementeryo sa mga “main highways” na may desenyong magpapaalala sa mga bibisita o dadaan sa buhay ng mga namayapa nilang kaanak o kakosa.
Pagpapahalaga ito hindi lamang sa mga buhay, kundi sa mga sumakabilang-buhay.
“Hindi naman po natin sinasabing madistorbo ang ating sementeryo, but nais po nating bigyan ng pagpapahalaga ang ating loved ones na sumakabilang buhay, at hihingin natin kay Gobernador Amy Alvarez ng perimeter walls na nakasaad po [r]ito iyong mga bible verses, iyong mga expression words,” rason niya sa pagbalangkas ng “Proposed Resolution No. 0213-25”.
Dalawang “funeral vans” din ang panawagan niyang pondohan ni Alvarez para sa mga residente ng Timog at Hilagang Palawan, dahil hindi sapat ang mga sasakyang pampunerarya rito na maghahatid sa namayapa sa sementeryo.
“Malugod po na kaya nating dagdagan pa ang pagdadalamhati ng mamamayan, bagkus ito po ay ating inilapit, kasagutan na magkakaroon po ng pondo for the acquisition of two customs-built funeral vans,” na kanyang rason sa “Proposed Resolution No. 0214-25” ukol dito.
Inaprubahan ang mga ito ng SP Palawan sa pamumuno ni Bise Gobernador Leoncio Ola bilang “presiding officer” noong Agosto 12, 2025 sa mga “first and final reading” ng mga ito.
via Albert Villamor