Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Health
  • HIV cases sa bansa, tumaas ng 500 porsyento
  • Community
  • Health
  • National

HIV cases sa bansa, tumaas ng 500 porsyento

Repetek News

June 5, 2025 2 minutes read
503321037_1184575323681395_6611014255227559223_n

IKINABABAHALA ng Department of Health (DOH) ang patuloy na paglaganap ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa buong bansa na pumalo na sa 500 porysento sa mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 25-taong gulang.

Inihayag ni DOH Secretary Dr. Teodoro “Ted” J. Herbosa na mas pinangangambahang problema sa kasalukuyan ng bansa ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV kaysa monkeypox.

“In fact, ang pinakabatang na-diagnose po natin ay [13-anyos] sa probinsya ng Palawan. So, ang malaking problema po natin hindi monkeypox kundi ang paglaganap ng HIV,” ani Herbosa.

Batay sa ibinahaging datos, ang Pilipinas na ang may pinakamataas na naitatalang bagong kaso sa Western Pacific Region, bagay na ikinatatakot ng Kagawaran dahil sa mga bagong kasong naitatala sa mga kabataang Pilipino.

Maaaring lumagpas ng 400,000 ang bilang ng mga taong may HIV sa bansa kung hindi maaagapan ang paglaganap nito.

“Mahal po ang pagbayad ng mga gamot ng anti-retroviral. Kaya kailangang kailangan na ma-increase natin ang testing, prevention, treatment at nang bumaba ang viral load,” dagdag niya.

Bagaman maaari nang gamutin ang HIV sa pamamagitan ng treatment upang hindi lumala, ipinanawagan ng Kalihim ang public health national emergency para labanan ang nasabing sakit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng publiko at gobyerno upang mapababa ang naitatalang bagong kaso.

Aniya, mayroon nang self-test kits sa bansa na inaasahang magamit ng mga taong natatakot sa stigma ng pagpapa-test. Ito ay maaaring mabili sa mga botika na kung saan isasagawa naman ang confirmatory test sa HIV treatment hub.

Ani Herbosa, sagot ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang mga gamot na anti-retroviral para maagapan ang nasabing sakit.

Samantala, isa ang 30-taong gulang na si Lorenz Olleres na patuloy na namumuhay ng normal nang may HIV sa loob ng 11 taon, na undetectable na ang kanyang kasalukuyang status dahil sa treatment.

“Eleven years from now, I am still living healthy and I am already undetectable a year after I started the medication—moving forward and living my life. Living with HIV, I still achieved my dreams I graduated college nu’ng [mayroon] akong HIV and that is because the free treatment that we have here in the Philippines.”

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: Know your status, get tested regularly!
Next: Usaping legal, hatid sa mga residente ng Linapacan

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025
PIO Palawan
  • Headlines
  • Health
  • Palawan Affairs

District hospitals sa Bataraza at Coron, itinaas sa level 1 hospital

Repetek News

June 17, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.