Photo courtesy | Google

PALAWAN, Philippines — APEKTADO ng Paralytic Shellfish Toxin ang Honda Bay sa lungsod ng Puerto Princesa, batay sa isinagawang laboratory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- National Fisheries Laboratory Division sa mga nakolektang shellfish meat samples sa baybayin lumabas sa resulta na mataas ito sa regulatory limit na 60 ugSTXeq/100g.

“Magandang Gabi, ipinapaalam sa lahat na ang Honda Bay, Barangay San Miguel to Langogan, ay positibo sa ” redtide organism” Pyrodinium bahamense var. compressum”.

Bunsod nito, pinaalalahanan ang publiko na ang lahat ng shellfish at acetes o alamang na makukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin liban na lamang sa mga isda, pusit, hipon at alimango. Tiyakin lamang na ito ay sariwa at hugasang mabuti, tanggalin ang mga lamang loob bago lutuin.

vi