Photo Courtesy | PNA

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Pansamantalang hahalili sa nabakanteng puwesto ni yumaong Palawan 1st Legislative District Representative Edgardo “Egay” Salvame si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez makaraang italaga ng kapulungan ang nasabing opisyal nitong Miyerkoles, Marso 20.

Sa plenary session nitong Miyerkoles, itinalaga si Leyte First Legislative District Representative Romualdez bilang caretaker ng Unang Distrito ng Palawan na sinang-ayunan naman ng 300-plus lawmakers ng House of Representatives.

Ang nasabing opisyal din ang kasalukuyang caretaker ng tanggapan ng yumaong Congressman Edward Hagedorn ng Ikatlong Distrito ng Palawan, puganteng si Arnulfo Teves Jr. ng Negros Oriental, at distrito ng dating Kongresista at ngayo’y Finance Secretary Ralph Recto ng Batangas.

Author