Halos dalawanlibong mga turista na lulan ng MS Noordam ang bumisita sa lungsod ng Puerto Princesa kaninang umaga, Martes, Enero 7.
Masayang sinalubong ng mga kawani ng City Tourism Department ang pagdating ng barko na inalayan ng mga sayaw at musika bilang tanda ng mainit na pagtanggap ng siyudad sa mga bisitang banyaga.
Isa ang MS Noordam sa mga malalaking cruise ships na dumaong sa Puerto Princesa Port na may sakay na 1,988 passengers at 771 crew.
Lubos namang ikinatuwa ng tanggapan ng City Tourism ang pagbisita ng mga cruise ships sa siyudad na kung saan ay inaasahan pa ang pagdating ng iba pang cruise ships sa buong taong 2025.
Sa naunang published news ng
Repetek News
, kinumpirma ng City Tourism Department na malaki ang naitutulong ng pagdating ng mga cruise ships sa Puerto Princesa dahil nakapagbibigay-kita ito sa mga community based-tourism partners, tourist-based businesses, at lokal na ekonomiya ng lungsod