Ni Ven Marck Botin
SABAY-SABAY na nagsipagtapos nitong ika-9 ng Hunyo ang mahigit-kumulang apatnadaang (400) lingkod-bayan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Regional Training Center sa Lungsod ng Taguig.
Batay sa ulat, pinangunahan ng komandante ng ahensya ang nasabing graduation ceremony ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 95-2022 “Mandilaab” na binubuo ng 376 male trainees.
Sa seremonya, binigyang-diin ni CG Admiral Artemio Abu “ang kahalagahan ng katatagan ng isip at katawan, pasensya, at determinasyon, tungo sa pagbibigay ng serbisyo publiko”.
Ayon pa sa komandante, ang mga bagong miyembro ng PCG ay dapat isabuhay ang pagiging lingkod-bayan.
Dagdag dito, binati ng komandante ang mga” pamilya at mahal sa buhay ng CGNOC Class 95-2022 na malaking bahagi sa pagkamit ng kanilang pangarap na maglingkod sa bayan.