Photo courtesy | PPCPO

PUERTO PRINCESA, Philippines โ€” Arestado ang isang babae nitong Sabado, Nobyembre 11, matapos magbiro sa guwardiya ng isang shopping mall sa lungsod na may bomba sa kaniyang bag.

Aniya, “may bomba sa bag ko” nang dumaan sa security check ng entrance 4 ng SM City Puerto Princesa. Nang muling tanungin ng guwardiya, inulit nito ang kaniyang sinabi.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng parada ng Subaraw Biodiversity Festival sa lungsod.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law ang suspek.

Ni Marie F. Fulgarinas

Author