Ni Clea Faye G. Cahayag
NA-ITURN OVER na sa Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ng United States Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng Safe Water ang hydrologic reports ng mga pangunahing ilog sa lungsod.
Ayon sa PPCWD, nilalaman ng hydrologic reports ang surface water at groundwater information ng bawat ilog kabilang na ang basin information, historical discharge, flow analysis, projection of future flows under different climate scenarios, field validation, at potential groundwater recharge areas.
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng pamunuan sa USAID dahil malaki ang maitutulong nito para mas mapaunlad pa ang kanilang pagbibigay serbisyo.
“This information is vital in the operation of PPCWD as it provides data on the availability of supply in the potential water sources in the city,” ayon sa PPCWD.
Saklaw naman ng naturang ulat ang anim (6) na major rivers sa Puerto Princesa kabilang na ang Babuyan, Bacungan, Inagawan, Irawan, Langogan, at Montible.