Photo | REPETEK

PUERTO PRINCESA CITY — Tumanggap ng parangal ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Palawan Chapter sa isinagawang 2024 Mayor’s Awards sa ilalim ng Law and Justice Group Category na personal na inabot nina City Mayor Lucilo R. Bayron at Councilor Judith M. Bayron nitong hapon ng Linggo, Marso 3.

Ang parangal ay tinanggap nina IBP Palawan President Atty. Susanne C. Lacson at Chapter Secretary Atty. Leogina “Louchie” S. Palanca.

Dagdag dito, tumanggap din ng parangal si Atty. Lacson sa 2024 Mayor’s Awards sa ilalim ng Law & Justice Individual Category.

Samantala, pinarangalan din si Executive Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Regional Trial Court of Palawan in Puerto Princesa City sa kaniyang mahalagang kontribusyon sa Academe.

Matatandaang si Judge Sundiang-Dilig ay nagsilbing Bar Examiner ng Criminal Law subject nitong nakalipas na 2023 Bar Examinations.

Siya ay isa sa mga professorial lecturers sa Palawan State University School of Law sa mahigit na 20 taon at sa kasalukuyan ay Lead Convenor ng Puerto Princesa City Green Justice Zone.