PUERTO PRINCESA CITY — Namahagi ng tulong pangkabuhayan para sa mga piling benepisyaryo ang lokal na pamahalaan ng Bayan ng Narra, Palawan, na isinagawanitong nakalipas na Hulyo 24 sa nasabing bayan.
Nakatanggap ng tag-sampunlibong piso (10,000) ang apatnapu’t limang (45) mga kwalipikadong benepisyaryo ng Livelihood Capital Assistance sa pamamagitan ng mga kawani ng Municipal Social Work and Development Office sa pangunguna ni Ms. Maria Linda A. Dubla, MSWD Officer.
Ayon sa tanggapan ng munisipalidad ng Narra, ang nasabing halaga ay magagamit umano ng mga benepisyaryo bilang karagdagang tulong panimula sa kanilang hanapbuhay nang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at sa ikauunlad ng kanilang pamilya.
Samantala, naroon naman sa nasabing kaganapan si Sangguniang Member Member elipe L. Argueza Jr. bilang kinatawan ni Mayor Gerandy B. Danao kasama si Executive Assistant I/Acting Municipal Administrator Mr. Edmond B. Gastanes katuwang ang MSWD.