Photo courtesy | Repetek Team

Sa privilege speech ni Board Member Ryan Maminta sa Sangguniang Panlalawigan nitong araw ng Martes, Marso 11, tinuran ng bokal ang umano’y pagkakakulong ng dalawa o tatlong mga scholar ng Provincial Government ng Palawan sa Hainan Province, sa bansang China, noong nakaraang taon.

Aniya, ayon sa mga pamilya ng mga scholar, alam na umano ito ng Pamahalaang Panlalawigan kahit noong nakaraang taon pa.

“We want to know Mr. Presiding Officer what is the real score, the department under the office of the governor shed to uprise us regarding this matter,” pahayag ni Maminta.

Sinabi rin ng bokal na dinakip ang naturang mga scholar dahil sa salang espionage sa gobyerno ng Tsina.