Photo courtesy | Culion Municipality

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang (2) bangka lulan ang labing-anim (16) na katao na illegal na nangingisda sa Municipal Water ng Barangay Binudac nitong nakalipas na Noyembre 19.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, inatasan ni Mayor Ma. Virginia De Vera ang Culion Municipal Police Station (MPS) na magsagawa ng Anti-illegal Fishing Operation katuwang ang BINFA Association sa pangunguna ni Assoc. President Junjurick Ando at Barangay Officials ng Barangay Binudac.

Ang mga iligalista ay nahaharap sa kasong paglabag sa Illegal Entry sa ilalim ng Article H section 5H.06, walang kaukulang Mayor’s Permit ng Article C section 7C.01, at “Fishing on Marine Protected Area (MPA)” ng bayan ng Culion sa ilalim ng Article C, Section 7C.02.

Dagdag dito, naaktuhan ng mga awtoridad “ang mga illegal na mangingisda habang aktuwal na nagsasagawa ng illegal fishing activity sa MPA – Sanctuary ng Barangay Binudac”.

“Hinding-hindi tatantanan ni Mayor V. ang mga dayuhang walang karampatang lisensya na pumapasok upang mangisda sa bayan ng Culion,” pahayag ng lokal na pamahalaan.

Author