Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Kumilos na ang Department of Education Central Office kung saan nagsasagawa na ito ng malalimang imbestigasyon hinggil sa reklamong inihain ng gurong si Rhodora Aboratigue ng Bato National High School ng Taytay, Palawan.

Batay sa direktiba ni Atty. Omar Alexander Romero ng Legal Service ng DepEd Central Office, binuo ang Fact Finding Investigation Committee na magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa reklamong inihain ni Aboratigue laban kay Education Specialist II Jister Lunado ng Division Office ng Palawan.

Sa liham ng Fact Finding Committee, pinagsusumite ng komento ang inirereklamong staff ng DepEd Palawan sa loob ng limang araw.

Nitong Martes, Marso 12, dumating sa lungsod ng Puerto Princesa ang mga abogadong miyembro ng Fact Finding Committee upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa hanay ng DepEd Palawan.

Author