Photo courtesy | Greenpeace Philippines

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Umabot na sa katubigan ng Hagonoy, Bulacan, ang oil spill mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa katubigan ng bayan ng Limay nitong nakalipas na Biyernes.

Sa ulat ng Greenpeace Philippines, namataan ang makapal na layer ng langis mula sa dalampasigan ng Hagonoy sa layong 4 kilometers ngayong araw ng Linggo, Hulyo 28.

Nananawagan ngayon ang nasabing organisasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang kumpanyang nagmamay-ari ng barko at pagmultahin ito sa mga naging pinsala nito sa kapaligiran, hanapbuhay, at kalusugan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, kinumpirma ng mga divers ng Harbor Star na siyam na tanke ng industrial fuel oil (IFO) mula sa lumubog na barko ang kasalukuyang tumatagas.

“[The] Harbor Star divers confirmed the presence of nine leaking valves of tanks carrying the industrial fuel oil (IFO) on board the sunken motor tanker.

Immediately, the divers worked on sealing the valves, finishing the application of the second layer of sealant at around 10:42AM [today],” ayon sa ahensya.

Patuloy na mino-monitor ng Harbor Star divers ang lagay ng “nine valves and will conclude their operations after confirming absence of IFO leakage on board.”

Ayon naman sa direktiba ng pangulo kina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant Ronnie Gil Gavan, inaatasan nito ang mga concerned agencies at ang shipping company “to undertake all actions necessary to immediately close all leakages to avoid further adverse impact to the people and the environment”.

Samantala, nakipagpulong na rin ngayong araw ang mga kinatawan ng kumpanya sa mga kinauukulan para sa pagsasagawa ng oil clearing operasyon sa nasabing katubigan.

Author