PALAWAN, Philippines — Natapos na ngayong araw ng Biyernes, Mayo 10, 2024, ang INFRA Exhibit ng Lokal na Pamahalaan ng Puerto Princesa kung saan tampok dito ang mga nakompleto at mga nagpapatuloy na proyektong pang-imprastraktura ng City Government sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Lucilo Bayron.
Ilan sa mga on-going na proyekto ng lokal na pamahalaan ang Standard Daycare Center, paglalagay ng mga kagamitan sa pampublikong establisyento, at marami pang iba.
Sa ngayon, walong ( Daycare Centers na ang natapos na matatagpuan sa Barangay Lucbuan, Concepcion, Maruyugon, Napsan, Cabayugan, San Rafael, Mangingisda, at Luzviminda.
Habang ang lima (5) ay nagpapatuloy pa ang konstruksyon na mayatagpuan naman sa barangay ng Tanabag, Purok Manturon sa Cabayugan, Manalo, Sta. Cruz, at Kamuning.
Dalawang (2) Satellite City Hall na rin ang nakumpleto na matatagpuan sa barangay Luzviminda at San Rafael habang prayoridad na mapondohan ang mga Satellite City Hall sa barangay Napsan at Macarascas.
Natapos na rin ang apat (4) na two-storey PNP building sa Barangay Irawan, Napsan, Macarascas at San Rafael. Nagpapatuloy naman ang kontruksyon nito sa brgy. Luzviminda at prayoridad na mapondohan rin ang itatayong kahalintulad na gusali sa brgy. Sta. Lourdes.
Maliban dito, tampok din sa exhibit ang rehabilitasyon ng Plaza Cuartel, Bus and Jeepney Terminal Covered Walk sa Integrated Agricultural Center, Bus Station Shed, Muti-Purpose Planetarium, at Tandikan Ville sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.
Matatandaan, nitong araw ng Lunes, Mayo 6, sinimulan ang INFRA exhibit na isinagawa sa SM Mall Puerto Princesa City.