Photo | Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa

Lusot na sa ikalawang pagbasa ang pagtataas ng insentibo na natatanggap ng mga barangay tanod sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang noo’y dalawanlibong (P2,000) insentibo kada kwarter ng taon sa mga barangay tanod ay gagawing tatlunlibong piso (P3,000).

Ayon sa pag-uulat ng Committee on Appropriation na pinamumunuan ni City Councilor Jonjie Rodriguez, ang dagdag allowance ay bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Considering the continuous increase of prices of basic necessities and commodities in the country, said amount is no longer sufficient.

Thus, this amendment ordinance which is aim to demonstrate appreciation and recognition to barangay tanods role in peacekeeping and their valuable contribution to the local governance,” ulat ng komite.

Ang mga makakatanggap nito ay yaong mga rehistrado at appointed na brgy. tanod. Sa kabuuan, mayroong 1,320 brgy. tanod sa lungsod.

Ang hakbang na ito ay nakakuha naman ng positibong komento at suporta mula sa kanyang mga kasamahang konsehal sa Sangguniang Panlungsod.

Aniya, inaasahan naman na ito ay maipatutupad sa buwan ng Hulyo, batay sa ulat ng City Budget Office.