Nagsagawa ng isang coastal clean-up ang Puerto Princesa City Jail Male Dormitory kasama ang mga babaeng criminology interns ng Fullbright College at Western Philippines University (WPU) sa Brgy. San Miguel, lungsod ng Puerto Princesa nitong nakalipas na araw.
Nilalayon ng kaganapan na paigtingin ang proteksiyon ng marine ecosystem sa lugar, itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga isyu sa kalikasan, itaguyod ang mga sustenableng pamamaraan, hikayatin ang mga komunidad na makilahok sa mga conservation efforts, at makipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang matiyak ang kalinisan at kalusugan ng mga baybay dagat.