PHOTO//DENNIS SOCRATES FACEBOOK PAGE

Ni Vivian R. Bautista

TINANGGAP ni Neil Joseph Socrates Sibal ang Plaque of Appreciation mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na personal na iginawad ni
Governor Victorino Dennis Socrates bilang pagkilala sa kan’yang pagtatapos sa On-the-Job training nito sa Provincial Governor’s Office nitong ika-3 ng July, taong kasalukuyan

Si Neil Joseph Socrates Sibal, ay isang Dean’s Lister student na mula pa sa Ateneo de Manila University (ADMU), siya ay isang second year student sa kursong Diplomacy and International Relations with Specialization in East and Southeast Asian Studies, ayon sa tanggapan ni Gob. Socrates.

Pinili niyang mag-OJT sa Provincial Government ng Palawan upang masaksihan kung papaano ang sistema at actual na proseso ng isang lokal na pamahalaan.

“Naging curious po ako kung paano nagwo-work ang LGU, ‘yung proseso, gusto kong makita on the ground, like how things work,” ani Sibal.

Ayon sa kaniya, nakita niyang aktwal na pagganap sa tungkulin ng pamahalaan at pagbibigay serbisyo sa sambayanan.

“Sobrang detailed pala, sobrang masalimuot ‘yung proseso sa LGU, ‘yung pagtugon sa kinakailangan ng mga tao, health care, scholarship, financial aid…kung [anuman] ‘yan ang laki ng range ng kailangan niyong i-deliver na needs ng [taumbayan],” dagdag pa niya.

“Honestly, nagulat po ako kasi I didn’t think that this kind of concern and type of governance is possible, kasi nga iba siya sa typical perception na kapag sa gobyerno, sasabihin “ay tamad ‘yan, ay unprofessional ‘yan, or hindi magaling ‘yan”, pero when I actually saw how intricate or how efficient the system was, I give it a 10,” aniya pa.