PUERTO PRINCESA CITY — Mas mapapadali na ngayon ang pagpapadala ng pera ng mga Overseas Filipino mula sa bansang Japan patungong Pilipinas gamit ang International Money Transfer app matapos ma-renew ang partnership
ng BDO Unibank at Seven Bank, kamakailan.
Pinuri ni Seven Bank President and Representative Masaaki Matsuhashi ang BDO sa pagtutok nito sa kanilang mga kliyente.
“This is a common value Seven Bank has as well. BDO is very passionate and aggressive in providing new services to customers, so we want to have a good partnership with BDO to do things together with them,” ani Matsuhashi.
“We saw that one hurdle for Filipino workers in Japan is visiting banks and remittance centers during daytime because of their work schedule. Our alliance with Seven Bank is a game changer, allowing 24×7 remittance through their mobile app and ATM network of 27,000 all over Japan,” wika naman ni BDO Senior Vice President at Remittance Head Genie T. Gloria.
Ayon sa banko, sila ay nag-aalok ng mas malawak na network ng mga ATM at lokasyon ng pagkuha ng pera sa Pilipinas, na ginagawang accessible para sa mga benepisyaryo na matanggap ang kanilang pera.
Nariyan ang Cash Pick-up Anywhere kung saan maaari silang mag-claim ng pera sa higit sa 14,000 branches sa buong bansa kabilang ang nasa sa mahigit 1,700 BDO at BDO Network Bank branch; BDO Remit counters sa loob ng SM malls; at higit sa 12,000 Cash Agad partner-agents.