PUERTO PRINCESA CITY — Aabot sa higit tatlunlibong (3,000) seedlings ng mga punong Ipil at Narra ang naitanim nitong Oktubre 4 sa Brgy. Sagpangan, bayan ng Aborlan, Palawan.
Ang mga ito ay naitanim sa 75-ektaryang lupain partikular sa public parks at green spaces na layuning mapanumbalik ang luntiang kapaligiran ng mga kabundukan sa nabanggit na bayan at bilang pagtalima na rin sa Forest Landscape and Restoration Program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Liban dito, bahagi rin ng programa ang paglalagay ng nursery sa lugar na magsisilbing pangunahing pagkukunan ng mga punong kahoy, prutas, at iba pang halaman na itatanim sa parke.