PHOTO//CANACOPEGDL.COM

Ni Ven Marck Botin

๐˜‰๐˜ช๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช ๐˜“๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด-๐˜ฅ๐˜ช๐˜บ๐˜ฆ๐˜ด (10 ๐˜ฑ๐˜ฎ.) ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ต๐˜ข. ๐˜“๐˜ถ๐˜ค๐˜ช๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜“๐˜ถ๐˜ป๐˜ท๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜—๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ข.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Caseria ang kaniyang karasanan mula sa nasabing insidente bilang magiging gabay o โ€œawarenessโ€ ng publiko.

โ€œMuntik na po akong maholdap [diyan] sa kahabaan ng Sta. Lucia hanggang sa Luzviminda nitong mga around 10 pm po. Pauwi ako ng Aborlan galing [Puerto Princesa City]. May nadaanan akong motor (XRM na pula) na nakatumba,โ€ kuwento ni Caseria sa kaniyang Facebook post.

[Nuโ€™ng] lalapitan ko na po, biglang nagpaandar [โ€˜yung] Honda Click na puti at lumapit sakin. Buti [โ€˜di] po ako umalis agad sa motor ko. Itinayo ng dalawang lalaki na naka-bonet [โ€˜yung] XRM tapos naghabulan na po kami dahil magkasabwat sila [nuโ€™ng naka-Honda] Click. Apat po na binatilyo, mga [naka-bonnet],โ€ dagdag ni Caseria.

Aniya, naabutan siya ng mga suspek sa bandang bilihan ng mga โ€œdugos at unanโ€ na kung saan ay binato siya ng isang lalaki na masuwerteng tumama naman sa kaniyang sa suut-suot bag sa likurang bahagi ng kaniyang katawan.

โ€œTinangka ng nasa Honda Click na sipain ang motor ko pero humarurot na ako ng patakbo. Iba ang takot at kaba na naramdaman ko, sobrang dilim pa ng daanan,โ€ dagdag ni Caseria.

Samantala, panawagan ni Caseria sa mga holdaper na kumayod ang mga ito ng marangal.

โ€œSa kung [sinuman] ang mga holdaper, kumayod kayo para sa pamilya niyo sa malinis na paraan lumaban kayo ng patas. Nilalagay [nโ€™yo] sa peligro ang buhay [nโ€™yo] at buhay ng ibang tao. Nakaka-trauma, sana [maaksyunan po โ€˜yan!]

Author