Photo courtesy | PCSDS

PUERTO PRINCESA, Palawan — Lumahok sa isinagawang mangrove tree planting activity sa Sitio Manggahan, Barangay Tagumpay, bayan ng Coron, ang mga tauhan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) nitong Hulyo 5, taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Shalom Women’s Biodiversity Conservation Association, Balisungan Marine Protected Area, Women Manage Area, at Calamian Island Power Corporation.

Ayon sa tanggapan ng PCSDS, aabot

sa mahigit isanlibo (1,000) mangrove propagules ang naitanim sa Sitio Manggahan. Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng PNP Coron, 2nd Palawan PMFC, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, DENR, BFAR, Coron Ecowarriors, Siete Pecados Peoples Organization, 4Ps Beneficiary at mga residente ng Barangay Tagumpay.