Photo Courtesy | Comelec Puerto Princesa

PALAWAN, Philippines — Naglabas ng iskedyul ng satellite registration para sa buwan ng Hunyo ang Office of the Election Officer sa lungsod ng Puerto Princesa na pirmado ni Election Officer IV Atty. Julius Cuevas.

Sa Hunyo 7, magkakaroon ng special satellite registration para sa mga miyembro ng Indigenous Peoples (IP’s) at Indigenous Cultural Communities (ICCs) sa covered gym ng Sta. Lourdes National High School sa Barangay Sta. Lourdes.

Sa Hunyo 8 naman, magkakaroon ng special satellite registration (With Register Anywhere Program) para sa mga Person Deprived of Liberty o PDL sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Barangay Iwahig.

Sa Hunyo 14, ang pagpaparehistro ay isasagawa naman sa Brgy. Bacungan at Brgy. Sta. Cruz (With Register Anywhere Program). Ito ay gaganapin sa covered gym ng Brgy. Bacungan.

Sa Hunyo 21 hanggang ika-22, muling magkakaroon ng special satellite registration para sa mga IPs at ICCs na isasagawa sa Mini City Hall ng Brgy. Napsan.

At sa Hunyo 28 hanggang 29, isasagawa ang satellite registration (With Register Anywhere Program) sa Mini City Hall ng Brgy. Luzviminda.

Ang mga nabanggit na iskedyul ng pagpaparehistro ay magsisimula ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) hanggang alas singko ng hapon (5:00 PM).

Ang Commission on Elections (Comelec) ay hinihikayat ang publiko na magparehistro sa pamamagitan ng Register Anywhere Program o RAP, ito ay isang one-stop-shop na pinapayagan magparehistro bilang botante ang isang indibidwal “regardless of their current residence”.