PHOTO | GMA NEWS

Ni Ven Marck Botin

NAGPAABOT ng pakikiramay si Jessica Soho sa unang araw ng burol ng yumaong Kapuso at batikang brodkaster na si Mike Enriquez.

Sa darating na Sabado, ika-2 ng Setyembre 2023, magkakaroon ng pagkakataon ang mga nagmamahal sa namayapang brodkaster na masilayan ang kanyang mga labi sa Christ The King Parish, Greenmeadows mula alas-otso-y-midya (8:30) nang umaga hanggang alas-tres ng hapon.