Photo courtesy | PIO Palawan

PALAWAN, Philippines โ€” Nagsimula na ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 na magtatagal hanggang 25 ng buwan, ang tatlong (3) araw na Special Recruitment Activity sa opisina ng Provincial PESO GSO Building, Capitol Compound, lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Employment Service Office o PESO
upang bigyang pagkakataon ang mga Palaweรฑong nais magtrabaho abroad.

Ang kumpanyang NYD International Placement Agency Inc. ay nangangailangan ng mga sumusunod na posisyon: Operator, Trained Operator, Factory Assembly Worker, Loader, Simple Industry Occupation, Simplified Agricultural Work, at HR Administrative Assistant.

Para sa mga interesadong aplikante, mangyari lamang magdala ng ilang kinakailangang dokumento gaya ng updated resume na may 2×2 ID picture, passport at certificates at iba pang mahalagang dokumento.

Hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na mabigyan ng pagkakataon ang mga Palaweรฑo na makapag-apply ng trabaho sa mga lehitimong ahensya sa lalawigan o maging sa labas ng bansa sa pamamagitan ng mga isinasagawang recruitment activity ng Provincial PESO.