Ni Ven Marck Botin
NAGSIPAGTAPOS sa sekondarya ang labing anim (16) na mga kabataang residente ng Bahay Pag-Asa Youth Center (BPYC) nitong nakalipas na school year 2022 hanggang 2023.
Sa Facebook post, kinumpirma ng Provincial Information Office (PIO) na anim (6) sa mga ito ang nakapagtapos ng Senior High School habang sampu (10) naman ang nakapagtapos ng Junior High School sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) na ibinibigay ng Department of Education (DepEd) sa bansa.
Ang BPYC ang nagsisilbing pangunahing kanlungan ng mga kabataang Palaweño na may suliranin sa batas o tinatawag na Children In Conflict with the Law (CICL) at kasalukuyang pinangangasiwaan ng Provincial Welfare and Development Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.