Ni Ven Marck Botin
HINDI inaprubahan ng opisina ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos, Jr. ang kahilingan ng Palawan Provincial Council na gawing special non-working holiday ang ika-25 ng Agosto 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng Kristiyanismo sa lalawigan.
Batay sa ipinadalang liham ng Malacañang sa tanggapan ni Bise-Gobernador Leoncio N. Ola, nakasaad dito na ang dahilan nang hindi pag-apruba ng pangulo sa kahilingan ay dahil sa prinsipyong “Separation of the Church and the State”.
Ang nasabing liham ay pirmado ni Anna Liza G. Logan, Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng opisina ng pangulo.