Photo courtesy | Sen. Risa Hontiveros FB Page

Ni Marie Fulgarinas

ISINAPUBLIKO ni Senadora Risa Hontiveros na nadakip na ng mga awtoridad ng bansang Indonesia ang kapatid at kaibigan ng dismissed Bamban Mayor Alice Guo na sina Cassandra Li Ong at Sheila Guo na mapabalitang tumakas nitong mga nakaraang buwan.

“Thanks to our international contacts, my office has also independently verified the apprehension of Cassandra Li Ong, and Alice Guo’s sibling Sheila Guo.

We commend the Indonesian authorities for their decisive action in upholding the law and maintaining security. This is a promising development, and a testament to our collective efforts.

This goes to show how human trafficking facilitated by POGOs is a regional problem that needs a regional, even global, solution,” pahayag ng senadora.

Ayon pa kay Hontiveros, mahigpit na binantayan si Ong dahil siya lamang umano ang makapagbibigay-linaw at makapagturo ng mga dapat managot sa serye ng syndicated crime activities ng kompanyang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

“Ano nga ba ang kinalaman niya kina Alice Guo, Harry Roque, at iba pa? Sino ang nagpapuslit sa kanya at sa kapatid ni Alice Guo para makalabas sa bansa?

At bakit butas-butas ang sistema natin sa immigration? Naniniwala ako na masasagot lahat yan sa ating susunod na hearing.

Inaasahan ko rin ang pagdalo ni Cassandra Li Ong at Sheila Guo sa ating hearing sa Martes. Mananagot sila sa pag-iwas nila sa Senado,” pagbibigay-diin ng senadora.

Author