Photo Courtesy | REPETEK Team

PUERTO PRINCESA CITY – Ipinakilala kagabi sa mga lokal na midya ng Palawan ang mga miyembro ng Drift Motor Speedway X Mercedes Drivers Development at Kartzone Cebu Racing Team na lalahok sa 2024 Petron Blaze 100; ROK Cup Philippine Series, Tillotson T4 Cup Philippine Series, Tillotson Racing-T4 Series Pilipinas na gaganapin sa Palawan International Circuit sa barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Ito ay dalawang araw na karera na nagsimula na ngayong araw ng Sabado, Abril 27 at magtatapos bukas, araw ng Linggo, Abril 28, 2024.

15 miyembro ng Mercedes Drivers Development ang sasabak sa iba’t ibang kategorya para mapanatili ang kanilang posisyon bilang kampeonato noong huling series ng karting.

Sina Ryle Almazora, Klay Ng, Luca Rodrigo, Franco Patawaran at Tyler Tuanqui ang sasabak sa Cadet Category.

Apat naman sa Minirok Category na kinabibilangan nina Reign Alojado, Yuan Bugayong, Lucas Aldave at Jamie Caceres.

Ang magkapatid na Ethen at Hainz Luna at Luke Morales ang lalaban sa Intermediate. At sina Michael Andaya, Marcus Lacambra sa Junior Category at Josias Collantes sa Senior Category.

Ayon kay Atty. Rommero Alojado, Team Principal ng Drift Motor Speedway X Mercedes Drivers Development, “All these kids are hardworking.. have a passion for driving fast and really passionate in driving their karts”.

Ang Kartzone Cebu Racing Team naman ay binubuo nina Percy Yongco, Izak Zambo at Jayden Javier para sa Cadet Category.

Sa T4 Senior/Overall Category naman sina Trooper Ngo, Gian Pimentel, Ashton Binghay at Jiggy Javier. At si Aeden Binghay sa Junior Category.

Nasa sampu hanggang labindalawang grupo ang magtatagisan ng bilis at galing sa naturang patimpalak.

📸