Phooto courtesy | PPPO

PUERTO PRINCESA—Patuloy na nagsusumikap ang Palawan Provincial Police Office (PPO) para labanan ang iligal na droga at terorismo sa lalawigan.

Nagsasagawa ang mga kapulisan ng mga makabuluhang dayalogo at pamamahagi ng flyers sa mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT.

Sa bayan ng Brooke’s Point, tinalakay ang mga batas na Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act; Republic Act 8353 o Anti-Rape Law; Republic Act 7610 na kilala din bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act; at Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act na ginanap sa covered gym ng Barangay Pangobilian nitong ika-10 ng Enero, taong kasalukuyan.

Kasama ng mga kapulisan sa diskusyon ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Community Anti-Terrorism Awareness Know the Enemy (CATA-KTE).

Layunin ng aktibidad na magbigay ng edukasyon sa komunidad hinggil sa mga mapanlinlang na estratehiya at maling pananaw ng CPP-NPA Communist Group. Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, inaasahan na magiging mas mulat ang mga kabataan at komunidad sa mga banta ng droga at terorismo, at kung paano makaiwas dito.

Ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Philippine National Police (PNP) na masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa ilalim ng kampanya.

Author