Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Kampanya vs. HIV, palakasin: Sabando
  • Community
  • Headlines
  • Health
  • Palawan Affairs

Kampanya vs. HIV, palakasin: Sabando

Ven Marck Botin June 11, 2025 2 minutes read
News Page (13)

Nanawagan si Palawan First District Board Member Ma. Angela Sabando sa mga kinauukulan at simbahan na paigtingin ang mga kampanya’t programa sa pagsugpo ng lumalalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa lalawigan.

Sa kaniyang privilege speech nitong Martes, Hunyo 10, 2025, inihayag nito na kailangang magkaroon ng kolektibong aksiyon upang tugunan ang lumalalang epidemya na kung saan pabata nang pabata ang nagiging biktima nito sa lalawigan ng Palawan.

“Nananawagan [ako] sa lahat ng opisyal ng pamahalaan, simbahan, institusyon ng edukasyon, at midya na palakasin ang kampanya laban sa pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa,” paglalahad nito.

Inilatag din ni Sabando ang datos mula sa Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) at inihayag na mabilis ang pagtaas ng kaso sa mga kabataang kalalakihan. Aniya, malaking bilang ng kaso ay nagmula sa Lungsod ng Puerto Princesa sa datos na 656 positive cases.

“Sa Palawan, mula taong 2015 hanggang 2025, may kabuuang 1,268 na naitalang kaso ng HIV kabilang dito ang 656 mula sa Puerto Princesa, 73 mula sa Narra, 67 sa Taytay, 65 sa Brooke’s Point, 62 sa Roxas, 55 sa Aborlan, 44 sa El Nido, 29 sa Bataraza, 26 sa Quezon at San Vicente, 20 sa Dumaran, 18 sa Coron, 16 sa Sofronio Española, 15 sa Rizal, 14 sa Cuyo, 11 sa Araceli, 6 sa Busuanga at Balabac, 5 sa Culion, 4 sa Cagayancillo, 3 sa Agutaya, 1 sa Magsaysay at Linapacan, at sa labas ng Palawan ay 46 na [bilang],” ayon pa sa opisyal.

Sinabi rin ni Sabando na mataas ang bilang ng epidemya mula sa male-to-male relationship na pangunahing dahilan umano ng pagkalat ng virus. Inihayag din nito na edad 24-taong gulang pababa ang mayroong HIV sa Palawan.

“Mahigit animnapu’t anim (66) mula sa mga kabataang may edad na 24-years-old pababa. Sa mga kaso, 1003 ay naitalang resulta ng relasyon ng lalaki sa lalaki bilang pangunahing paraan ng pagkalat,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon pa kay sabando, sa tala ng DOH, kabuuang 974 lamang umano mula sa 1,268 confirmed cases ang kasalukuyang sumasailalim sa Antiretroviral Therapy o ART.

“Sa kabutihang palad, 974 sa mga pasyente ay kasalukuyang nakatatanggap ng Antiretroviral Therapy o ART, isang gamot na tumutulong upang matigil ang pagpasa ng HIV at mapanatili ang kalusugan ng may ganitong [uri ng] karamdaman.

Ito ay isang seryosong banta sa kalusugan ng publiko na nangangailangan ng mas malawak at masinsinang edukasyon, impormasyon, at pagkilos mula sa ating buong komunidad upang maprotektahan ang bawat mamamayan,” saad pa nito.

Author

  • Ven Marck Botin
    View all posts

About the Author

Ven Marck Botin

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Bangkay ng mangingisda sa San Vicente, natagpuang naaagnas na
Next: Motorista, sugatan

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.