Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Health
  • Kampanyang “Iwas Paputok”, inilunsad ng Envi Group
  • Community
  • Health
  • National

Kampanyang “Iwas Paputok”, inilunsad ng Envi Group

Vivian Bautista December 12, 2024 3 minutes read
469977474_1049881787150750_8275614930749440337_n

Photo courtesy | BAN Toxics Group

PUERTO PRINCESA — Inilunsad ng environmental justice group na BAN Toxics ang taunang kampanya nito na “Iwas Paputok” na isinabay sa pagdiriwang ng awareness activity na ginanap sa Barangay Payatas sa Quezon City, kamakailan.

Dinaluhan ito ng humigit-kumulang dalawanlibong (2,000) partisipante na kinabibilangan ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang mula sa Payatas B Elementary School, mga residente ng barangay at lokal na opisyal, at mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang mga mag-aaral mula sa bawat baitang ng Payatas B Elementary School ay nagpakita ng zero-plastic, eco-friendly na mga parol na ginawa mula sa mga biodegradable na materyales tulad ng abaca, dahon mula sa iba’t ibang halaman at puno, balat ng itlog, cartolina paper, iba’t ibang buto, at hibla ng niyog, at iba pa.

Ang mga nakilahok ay nag-rally para ipanawagan ang “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon (Iwasan ang Paputok, Iwasan ang Aksidente, Iwasan ang Polusyon)” na isinagawa dahil sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa nabanggit na grupo, layunin ng aktibidad na pigilan ang mga fireworks-related injuries (FWRI) at isulong ang eco-friendly na pagdiriwang sa pamamagitan ng kahalintulad na kaganapan.

Ang aktibidad, na kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day, ay nagsulong din ng panawagan na protektahan ang karapatan ng mga bata sa kalusugan at ligtas na kapaligiran.

“Let us be reminded this Human Rights Day that our children have the right to be safeguarded from exposure to environmental risks,” said BAN Toxics Executive Director Reynaldo San Juan Jr.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS), patuloy umanong tumataas ang fireworks-related injuries na tumaas mula 123 noong 2020 hanggang 189 noong 2021, 307 noong 2022, at 609 noong 2023; isang 50% spike sa pagitan ng 2022 at 2023 lamang.

Nabatid din ng grupo kamakailan ang patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok ng mga street vendor sa Divisoria. Ang Five Star ay ibinebenta sa halagang ₱120 bawat pack, habang ang Piccolo at Pla-pla ay nasa pagitan ng ₱180 at ₱200 bawat pakete.

Sa layuning pigilan ang pagbebenta nito, naglabas ang Philippine National Police ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok noong nakaraang taon, na kinabibilangan ng Watusi, Poppop, Five Star, Pla-pla, Piccolo, Giant Bawang, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Atomic Bomb, Super Lolo , Hello Colombia, Judas’ Belt, Giant Whistle Bomb, Atomic Triangle, Mother Rocket, Goodbye De Lima, Goodbye Napoles, Coke-in-Can, Super Yolanda, Pillbox Star, Kabasi, at Hamas.

“Beyond the injuries these firecrackers cause, they also pose serious health risks, especially to children who are particularly vulnerable,” ayon kay Thony Dizon, BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer.

Ang mga kemikal na makikita sa mga paputok ay kinabibilangan ng cadmium, lead, chromium, aluminum, magnesium, nitrates, nitrites, phosphates, sulfates, carbon monoxide, copper, manganese dioxide, potassium, sodium, zinc, nitrogen oxides, at sulfur.

Anila, ang pagkaka-expose sa mga nakakapinsalang sangkap na ito ay maaaring magresulta sa pinsala sa parehong mga nervous at respiratory system.

Bukod sa pagtataguyod ng kaligtasan, binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng eco-friendly na pagdiriwang upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Ang Payatas B Elementary School ay kapartner ng BAN Toxics sa ilalim ng Toxics-Free Schools Program (TFSP), na nagtataguyod ng wastong paghawak at pamamahala ng mga nakakalason na kemikal at basura sa mga paaralan, tahanan, at komunidad.

Ayon kay San Juan Jr., magpapatuloy ang pagsisikap ng BAN Toxics na subaybayan ang iligal na pagbebenta ng mga paputok at ipaalam ang mga panganib na dulot nito sa komunidad lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan.

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: Higit P16. 2-M halaga ng Shabu, nasabat sa Mimaropa
Next: Tatlong dating rebelde, sumuko dala ang shotgun

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025
PIO Palawan
  • Headlines
  • Health
  • Palawan Affairs

District hospitals sa Bataraza at Coron, itinaas sa level 1 hospital

Repetek News

June 17, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.