Photo courtesy | Facebook/ Jc Santos
Repetek Entertainment
PALAWAN, Philippines – Masayang nagbakasyon sa Lungsod ng Puerto Princesa si Kapamilya aktor JC Santos nitong nagdaang mga araw.
Sa Facebook post, masayang ibinahagi ng aktor ang bakasyon ng pamilya nito sa nabanggit na lugar.
“Thank God for BEACH TIME with family! 🙏🏽 Super needed this! Loving Puerto Princesa!,” pahayag ng aktor
Inirekomenda rin ng aktor ang ilang business establishments sa lungsod kaugnay sa masaya nitong pagbakasyon kasama ang pamilya ng aktor.
“If you’re planning a trip to Puerto Princesa, Palawan, I highly recommend @huepuertoprincesa! They can also plan your island hopping tours with @cml_travel and a lot more activities while discovering the beauty of Puerto Princesa.
Oh and by the way, no traffic jam here and @huepuertoprincesa is just 10 mins away from the airport,” pahabol ni Santos.
Ilan sa mga pinuntahan ng aktor na sikat na pasyalan sa lungsod ay ang #LuliIsland #CowriIsland at #HondaBay.