PUERTO PRINCESA CITY — Dumating na sa bodega ng Commission on Election o COMELEC sa Biñan, Laguna, ang nasa 8,640 na Automated Counting Machine (ACM) nitong araw ng Sabado, Agosto 31.
Ayon sa Komisyon, ito ang ikalawang batch ng mga machine na dumating sa Pilipinas na kung saan kanila namang inispeksyon ito upang matiyak ang kalidad ng mga kagamitan sa botohan.
Sa pagsusuri, may itinalagang viewing deck ang nasabing ahensiya para sa mga midya, election watchdog, at iba pa upang ganap na maobserbahan ang buong proseso ng pagtanggap sa mga ACM.
Matatandaang, mula nitong buwan ng Hulyo 2024, nagsimulang maghatid ng mga makina ang Miru, ang bagong supplier ng Commission on Elections.
Bukod dito, matagumpay na naipadala ang 100% na mga server, printer at laptop na gagamitin sa vote canvassing.
Ayon pa sa COMELEC, anumang makina na hindi pumasa sa paunang inspeksyon ay ibabalik upang ito’y mapalitan.
Samantala, sa ika-30 ng Setyembre ang huling araw ng rehistrasyon ng mga botante, habang sa Oktubre 1 hanggang ika-8 naman ang paghahain ng mga certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa halalan 2025.