PHOTO| PALECO

Ni Ven Marck Botin

PUERTO PRINCESA CITY — Bukas na ang karagdagang drive-thru payment center sa Main Office ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) para sa mga konsumer o kamay-ari na nagbabayad ng nakamotorsiklo, simula kahapon, araw ng Lunes, ika-9 ng Oktubre.

Dagdag dito, ang lumang drive-thru ng kooperatiba ay bukas pa rin para sa mga naka-tricycle o four wheeled vehicles na kamay-ari.

Paalala naman ng kooperatiba sa mga Member-Consumer-Owners o MCOs na maaaring makapagbayad sa mga drive-thru payment booth simula alas siyete (7:00) nang umaga hanggang alas kuwatro (4:00) nang hapon.

Author