Nasakote ng mga tauhan ng City Anti-Crime Task Force ang itinuturong kawatan ng motorsiklo sa isang lodging house sa Barangay Liminangcong, bayan ng Taytay, Palawan, nitong nakalipas na Enero 29.
Sa ulat ng ahensiya, nasakote si Alyas “Letus” sa bahagi ng Fernandez Street sa Barangay Tanglaw, Lungsod ng Puerto Princesa, kaninang umaga, Huwebes, Enero 30.
Itinimbre sa tropa na positibong nasa lugar si Alyas “Letus” na kung saan ay agarang tinungo ng tropa ang lugar para sa mabilisang pagdakip sa suspek.
Ayon sa ilang detalye, ang suspek ay naninirahan sa bayan ng San Vicente, Palawan, na nahaharap din sa patung-patong na reklamo na may kaugnayan sa pagnanakaw.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang suspek para sa tamang disposisyon at karampatang parusa.