Photo courtesy | Palawan Council for Sustainable Development

NANUMPA bilang bagong miyembro ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang mga kinatawan ng iba’t ibang lokal na sektor sa nabanggit lalawigan nitong araw ng Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023.

Sa ika-306 na pagpupulong ng ahensya, nanumpa sina Provincial Prosecutor Atty. Alen Ross Rodriguez ng Department of Justice (DOJ) – Palawan; Atty. Susanne Lacson, Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Palawan chapter; G. Rey Felix C. Rafols, Pangulo ng Palawan Tourism Council; at G. Roger V. Garinga, EnP., Provincial Agriculture and Fisheries Council PAFC Palawan.

Matatandaang sa nakalipas na council meeting nakaraang ika-31 ng buwan ng Agosto, naaprubahan ng konseho ang pagdadagdag ng mga miyembro nito na magmumula sa iba’t ibang sektor upang mas mapalakas pa ang pakikilahok ng publiko sa pamamagitan ng representasyon ng mga lokal na sektor sa Palawan.

Ayon kay IBP Palawan Chapter President Atty. Sussane Lacson, malaki umano ang magiging kontribusyon ng organisasyon sa pamanuan ng PCSD na may kinalaman sa mga usaping ligal.

“We will be able to help in the legalities kung anuman [‘yung] mga kailangan ng council especially some members are not actually from the legal profession, so we can help when it comes to legalities and also when there are cases. I think I can also support the PCSD Council in resolving issues s’yempre [‘yun] talagang pinaka-focus namin — its more on legalities,” pahayag ni Lacson.

Samantala, inihayag naman ni Palawan Tourism Council Tourism Felix Rafols na magiging mataas na rin ang focus ng konseho pagdating sa turismo lalo pa’t maraming mga hamon ang kinakaharap ngayon ng turismo sa Palawan.

“Malaking bagay na part kami ng PCSD not only do we know kung ano [‘yung] mga current challenges. [W]e can also inform [‘yung] PCSD, the other council members of the current challenges and the concerns that we had, and of course, ano ba [‘yung] best way to be able to maintain [‘yung] sustainability of our tourism establishments,” ani Rafols.

Dahil sa expansion ng membership ng PCSD, mas mapapabilis na umano ngayon ang pagbuo ng mga desisyon o resolusyon ukol sa mga usaping dinadala sa konseho.

“Noon, maraming research ang ginagampanan kaya hindi kaagad kami [nakakaaksyon] kasi [nire-refer] namin sa Technical Working Group (TWG), nagdo-double efforts kami, tinatanong namin [‘yung] PCSDS, mga staff namin kung anong gagawin because kailangan namin mag-double efforts ‘coz konti nga kami so that was before, but this time siguro we can easily act on something kami, as in banc as a council, because marami na kaming nag-uusap-usap,” tinuran ni Ferdinand Zaballa, Vice Chairman ng ahensya.

Dagdag dito, nanumpa rin bilang miyembro ng ahensha ang mga bagong kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture (DA) na sina Undersecretary Juan Miguel T. Cuna at Usec. Mercedita A. Sombilla.

Sa kasalukuyan, hindi pa nanunumpa sa tungkulin si Ginoong Eleutherius L. Edualino na kinatawan ng Puerto Princesa Palawan Association Higher Education Institutions o PPPAHEI.