PUERTO PRINCESA CITY – Nakipagpulong ang mga kinatawan ng National Museum of the Philippines sa pangunguna ni Director-General Jeremy Barns kay Palawan Governor Victorino Dennis Socrates nitong Disyembre 7, Huwebes, upang talakayin ang ilang progreso sa nominasyon ng Tabon Cave sa bayan ng Quezon bilang UNESCO World Heritage Site.
Inilahad ng mga kinatawan ng National Museum na nakipagpulong na rin ang mga ito sa lokal na pamahalaan ng Quezon at iba pang stakeholders upang talakayin ang site map na nagpapakita sa core zones at buffer zones ng Tabon Cave na naaayon sa Environmentally Critical Areas Network o ECAN zoning ng Palawan Council for Sustainable Development.
“Our main mission is to interface Quezon LGU and we will continue to monitor and make sure to help them sa pag-manage sa mga concerns, and I am very optimistic to the nomination [of Tabon Cave] to UNESCO World Heritage Site,” ani Barns.