PUERTO PRINCESA CITY — Isinurender sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) Wildlife Enforcement Office at Peace and Order Program ng Provincial Government ang isang juvenile Palawan Hill Mynah nitong Marso 11, 2024.
Ayon sa ahensya, ang nasabing buhay-ilang ay pagmamay-ari umano ni Gng. Nida Silverio, residente ng Pajara Rd., Brgy. Sta. Monica, kaya’t isinurender niya ito sa kadahilanang wala siyang kaukulang mga dokumento na isang paglabag sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Protection and Conservation Act.
Ang Palawan Hill Mynah o Kiyaw ay “Critically Endangered Species” batay sa PCSD Resolution 23-967.