Ni Marie Fulgarinas
MAG-INGAT, MGA KABABAYAN!
#WalangPasok | Muling sinuspende ang lahat ng klase sa mga pampubliko’t pribadong eskuwelahan sa buong Lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw, Martes, Setyembre 17, bunsod ng patuloy na pag-iiral ng Habagat na pinalalakas ng bagyong #GenerPh.
Ayon sa anunsiyo ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, walang pasok simula Kindergarten hanggang Grade 12 dahil sa kasalukuyang weather status ng lungsod. Sa pinakahuling datos ng ahensiya, muling bumalik sa Orange Rainfall o Intense Warning Level ang Puerto Princesa kaya pinapayuhan ang publiko na pansamantalang walang pasok ngayong araw.
Kaugnay rito, nag-anunsiyo rin ang administrasyon ng Palawan State University – Puerto Princesa Campus na walang “in-persons” o face-to-face classes sa lahat ng antas ng elementarya at sekondarya gayundin sa kolehiyo, School of Law, Graduate School, School of Medicine, at San Rafael Campus, ngunit magkakaroon naman ng “asynchronous” o online classes.
“Faculty will continue to monitor attendance online and may not be present on campus. Class schedules for other campuses will be based on advisories from the respective local government units (LGUs),” paalala ng pamantasan sa kanilang mga estudyante at mga guro.
Samantala, para sa anumang emerhensiya, tumawag lamang sa hotline numbers ng Puerto Princesa Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga sumusunod na numero: (Globe) 09653148399 at TNT – 09387944004.