Photo courtesy | Kgd. Raine Bayron

Inihayag ni Konsehala Judith Raine Bayron na tatakbo siyang Bise Alkalde ng kaniyang ama at kasalukuyang Punong Lungsod na si Lucilo R. Bayron sa darating na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 12, 2025.

Sa talumpati ng Konsehala nitong hapon ng Biyernes, Setyembre 6, sa ginanap na Bigkis Puerto Prinsesa Assembly sa covered gymnasium ng Barangay Napsan, inihayag nitong siya ang running mate ng kaniyang ama kasama si Abraham Khalil โ€œBahamโ€ Mitra na tatakbong kongresista ng Ikatlong Distrito ng Palawan.

Matatandaan na ang konsehala ay pumangalawa sa mga kagawad na may pinakamaraming botong nakuha nitong nakalipas na Halalan 2022 matapos makapagtala ng 66,484 votes.

Kaugnay rito, ipinakilala naman ng alkalde ang kaniyang magiging line up sa darating midterm elections na binubuo nina dating Kgd. Matthew โ€œMattโ€ Mendoza, Kgd. Luis M. Marcaida, Kgd. Elgin Damasco, Kgd. Herbert S. Dilig, Kgd. Patrick Hagedorn, former Mandaragat Bgy. Captain Gerry Abad, dating Kgd. Roy Ventura, Erwin Edualino, Jonjie Rodriguez, at Kgd. Victor S. Oliveros.