Photo courtesy | Google

Patuloy ang pagpapalawak ng mga proyekto ng District Engineering Office ng Unang Distrito ng Palawan sa mga nasasakupang mga munisipyo nito sa northern section ng lalawigan.

Kamakailan, nakumpleto ng ahensiya ang mga kalsadang magdudugtong sa Sitio Ocam-Ocam at mismong kabayanan ng bayan ng Busuanga.

Sa ulat ni 1st District Engineer Rommel P. Aguirre, binuksan ang two-lane project na may habang 985.5 Linear meter na naglalayong mabigyan ng magandang transportation ways at pagdebelop ng lokal na ekonomiya ng lugar.

Ayon din sa ulat, pahirapan sa pag-akses ng kalsada bunsod ng “poor condition” ng road junction na nagkokonekta sa mga road networks ng bayan ng Busuanga.

“The existing road was characterized by a muddy and rocky surface, making it difficult and hazardous to traverse, particularly during the rainy season,” ayon sa ulat.

Sa ngayon, patuloy ang iba pang road construction projects ng naturang tanggapan.

Author