Ni Clea Faye G. Cahayag
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐๐ฆ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฐ๐ง ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ธ๐ข๐บ๐ด (๐๐๐๐) ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ข๐ฌ๐ต๐ฐ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ด๐ข๐ฅ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ด๐ค๐ฐ๐ฎ ๐๐ฐ๐ข๐ฅ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ช๐ณ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ต๐ณ๐ฆ๐ฆ๐ต๐ญ๐ช๐จ๐ฉ๐ต๐ด ๐ด๐ข ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ณ.
Sa privilege speech ni City Councilor Jonjie Rodriguez, mayroong mga residente ng Barangay San Miguel na nagpaabot ng reklamo sa kanโyang kasamahang konsehal Patrick Hagedorn hinggil sa madilim ng daan sa Wescom Road sa kabila na mayroon nang naikabit na mga streetlights ang lokal na pamahalaan sa lugar.
โTinawagan ko po โyung ating in charge sa City streetlight si Engr. Rolly So, at atin pong napag -alaman na ang dahilan kung bakit napakadilim po nuโng Wescom Road sa kabila na [mayroon] na po tayong inilagay na mga streetlights po [roon] ay dahil daw po nasira ng kasalukuyang kontraktor ng kalsada โyung ating linya ng mga kuryente,โ ani Rodgriguez.
Sa kanโyang pakikipag-ugnayan kay So, ilang beses na umanong nagpadala ng liham sa DPWH upang panagutin ang sangkot na kontraktor ngunit magpahanggang ngayon wala umano silang nakukuhang sagot.
โIlang buwan na po ang nakaraan sila po ay nagpadala na ng sulat sa DPWH na kung saan hinihiling nila na i-compel nila po ang kontraktor na ayusin po yung mga nasirang kuryente doon ng streetlights pero tila wala pong naging tugon sa kanilang naging liham,โ dagdag pa ng Konsehal.
Dahil dito, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na humihiling sa DPWH na bigyang solusyon ng kontraktor ang nasirang proyekto ng siyudad bilang suporta na rin sa ipinapadalang liham ng City Engineering Office sa nabanggit na opisina lalo paโt matagal na itong nagdudulot ng abala sa mga residente.
Tinuran din ni Kgd. Hagedorn na makikipag-ugnayan ito kay 3rd District Congressman Edward Hagedorn para humingi ng tulong at maaksyunan ang nabanggit na problema.
Aniya, ang kalsada sa Wescom Road ay dapat natapos na noong ika-11 ng Enero ngunit hanggang ngayon ito ay hindi pa nakukumpleto.
โProject was about to be done last January 11, ngayon po ay May, [itโs already] five months and from what Iโve seen everyday I pass there I think there not even around 70% of the project dahil [mayroon] pa po โyang drainage na kasama, so, I do not know bakit tumatagal ng ganโyan kahaba ang project,โ ayon kay Hagedorn.
Pagbabahagi naman ni City Councilor Luis Marcaida lll dalawang beses na nagkaroon ng committee meeting hinggil sa kalsada sa Wescom road kung saan tinuran ng kontraktor na hindi pa ito natatapos ang dahil sa mga pag-ulan.