Nagsagawa ng Coral Reef Assessment ang mga tauhan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office nitong nakalipas na Oktubre 10 hanggang ika-12 ng buwan sa katubigang nasasakupan ng Siete Pecados Marine Protected Area sa bayan ng Coron, Palawan.
Pinangunahan ito ni Provincial ENRO Atty. Noel L. Aquino ang pagsusuri ng mga coral reefs gamit ang phototransect methods upang masuri ang kalusugan at katatagan ng mga bahura sa Siete Pecados.
Layunin ng assessment na mapanatili at mapangalagaan ang natatanging marine biodiversity sa lalawigan.
Matatandang tumanggap ng pagkilala ang Siete Pecados Marine Protected Area bilang 2024 Blue Park Award sa Our Ocean Conference na ginanap sa Athens, Greece.