PUERTO PRINCESA CITY – Isinoli ng isang concerned citizen sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang isang Kuwago (juvenile spotted wood owl) nitong nakaraang Biyernes, Marso 29, 2024.
Ayon sa ahensya, ang nasabing buhay-ilang ay natagpuan umano ng isang concerned citizen sa Mendoza Park, lungsod ng Puerto Princesa na pinaniniwalang nahulog mula sa isang Puno.
Ang Spotted Wood Owl ay nakatala bilang “endangered species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 23-967.
Samantala, ang buhay-ilang ay nasa pangangalaga na ngayon ng Palawan Wildlife Rescue and Rehabilitation Center para sa wastong pangangalaga at pagsusuri bago ito ibalik sa natural na tirahan nito.